Buwan Ng Wika

in celebrating •  3 months ago 

CONSOLACION CENTRAL SCHOOL BUWAN NG WIKA Kick Off!

Ang Buwan ng Wikang Pambansa,na mas kilala bilang Buwan ng Wika, ay isang taunang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing buwan ng Agosto upang itaguyod ang pambansang wika, Filipino. Ang Komisyon sa Wikang Filipino ang pangunahing ahensiya sa pag-oorganisa ng mga pangyayari para rito.
MEITU_20240809_080634487.jpg
Ang mga mag-aaral na nakasuot ng tradisyonal na kasuotang Pilipino na gawa sa mga niresiklong materyales bilang bahagi ng Buwan ng Wika.

•Pambansang wika
Nagsimula ang pagtatangka na magtatag ng pambansang wika sa Pilipinas noong 1935 noong panahong Komonwelt na pinangunahan ni Pangulong Manuel L. Quezon. Noong 1946, pinagtibay ang isang wika batay sa Tagalog bilang ang pambansang wika, na opisyal na itinalaga bilang Pilipino noong 1959. Ipinanganak at lumaki mismo si Quezon sa Baler, Aurora, kung saan nagtatagalog ang mga tao. Noong 1973, pormal na pinalitan ang Pilipino ng "Filipino". Naging mga opisyal na wika ng Pilipinas ang Filipino at Ingles sa ilalim ng Konstitusyon ng 1987.
MEITU_20240809_080716158.jpg
•Linggo ng Wika
Linggo ng Wika ang hinalinhan o nauna sa Buwan ng Wika na itinatag ni Pangulong Sergio Osmeña sa Proklamasyon Blg. 35 in 1946. Mula 1946 hanggang 1953, taunang ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika mula Marso 27 hanggang Abril 2. Pinili ang petsa ng kawakasan dahil ito ang kaarawan ng literatong Tagalog na si Francisco Balagtas.[3][4]

Binago ni Pangulong Ramon Magsaysay ang mga petsa na maging Marso 29 hanggang Abril 4 noong 1954. Sa sumunod na taon, muling binago ni Magsaysay ang mga petsa ng pagdiriwang sa Agosto 13 hanggang 19 sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186. Ginawa ito dahil pumatak ang mga dating petsa sa bakasyon ng mga mag-aaral kaya hindi makakalahok ang mga paaralan. Pinili ang petsa ng katapusan dahil ito ang kaarawan ni Manuel L. Quezon, na nakilala bilang "Ama ng Wikang Pambansa". Noong 1988, inapirma ni Pangulong Corazon Aquino ang mga petsa sa Proklamasyon Blg.

•Buwan ng Wika
Noong Enero 15, 1997, pinalawig ang Linggo ng Wika sa Proklamasyong Blg. 1041 ni Pangulong Fidel V. Ramos upang masakop ang buong Agosto. Kaayon nito, pinalitan ang pangalan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.[3][5]

Mula 2019, naging bahagi ng pagdiriwang ang pagtaguyod ng mga ibang katutubong wika ng Pilipinas kaayon ng pagtatalaga ng UNESCO sa taon bilang "Pandaigdigang Taon ng Mga Katutubong Wika".

Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay ang pangunahing may hawak sa Buwan ng Wika. Nag-oorganisa ang ahensiya ng mga pangyayari na nagtataguyod ng lokal na wika at nasyonalismong Pilipino.[3] Nagdaraos ang mga paaralan ng mga kostiyuman sa kasukdulang araw sa buwan, kung saan nagsusuot ang mga mag-aaral ng tradisyonal na kasuotang Pilipino, at mga pangyayari tulad ng kantahan ng Orihinal na Pilipinong Musika at mga paligsahan sa sayawing Pilipino.

Agosto, Buwan ng Wika ito ang panahon kung saan ipinagdiriwang natin ang ating pambansang wika, ang wikang filipino kung saan ang mga kabataan ay nag susuot ng mga makasaysayang damit na ginagamit noong nag daan na panahon. Ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang kung saan inaalala nating mga pilipino ang mga makasaysayang pangyayari sa ating bansa. At hindi mawawala ang mga patimpalak na nagaganap tuwing sasapit ang Buwan wika, halimbawa nalamang ang mga patimpalak na naganap sa aming paaralan gaya ng Lakan at Lakambini na matitipuno at kay gagandang mga dilag na nag pakitang gilas na inilabas ang kanilang mga talento sa pag kanta,pagsayaw ng mga katutubong sayaw, pag tula. At nariyan ang pag sagot ng mga katanungan galing sa mga hurado na konektado sa buwan ng wika. Isa pa sa mga patimpalak ay ang “Spoken Poetry” na pahusayn sa pag tula na may malalim na kahulugan na nagbibigay nang impormasyon at pahalagahan ang ating sariling wika. “Poster Making” kung saan nailalabas ng mga kabataang pinoy ang pagiging malikhain at pagiging ‘Artistic’ na maipahayag ang kahalagahan ng ating wika at ang kasaysayan at mga pangyayari sa ating bansa at kung paano ito pahalagahan at wag kalimutan o pabayaan. Isa pa sa mga patimpalak kapag sumasapit ang Buwan ng Wika ay ang pag sayaw ng mga makasaysayan o katutubong pagsasayaw na ginanap rin sa aming paaralan na naging maayos naman ang nasabing patimpalak,pagandahan,paramihan ng aksesorya upang maging natingkad at makulay at kahanga-hanga ang lahat ng mananayaw at ang mga hurado at maging ang mga manonood ay humanga at nagalingan rin. At ang isa pa sa mga patimpalak na ginagan rin sa aming paaralan ay ang Sabayang Pag-awit na aming sinalihan, Ang sabayang pag-awit ay ang pag kanta ng mga katutubong kanta na itinono sa mga makabagong kanta na kung saan kami ay nag wagi ng Ikalawang Gantimpala. At marami pang mga patimpalak ang nagaganap tuwing sasapit amg Buwan ng Wika.

Gayon pa man kahit na isang beses lang ito ipinagdiriwang sa isang taon dapat ay araw-araw parin natin ito pahalagahan at ingatan hindi lang tuwing buwan ng Agosto upang Hindi makalimutan o matabunan ng mga nauusong lingguwahe na mas pinag tutuunan ng pansin kaysa sa ating sariling wika. Ang wikang filipino at ang mga naiambag nito sa ating bansa pati narin sa ating buhay. Ang Buwan ng Wika ay nag papaalala satin na importane ang may iisang wika sa isang bansa dahil kung wala tayong iisang wika hindi tayo mag kakaintindihan at hindi natin makakamtan ang katahimikan at kapayapaan at higit sa lahat ay ang pag kaka-isa.

*Have A Wonderful Friday To All Of Us!🤗😍

THANK YOU FOR ALWAYS SUPPORTING MY BLOGS!💖🥰

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE BLURT!
Sort Order:  
Thank you for sharing such great content!
Congratulations on your post in #blurt-131902 or #blurtconnect
Blurt to the Moon
Most welcome Votes for our community Witness Here
Your publication has been manually upvoted by @oadissinOfficial Blurtconnect-ng Page
Please delegate Blurt power to @blurtconnect-ng and help support this curation account
Also, keep in touch with Blurtconnect-ng family on 

Telegram and Whatsapp