Magandang araw sa lahat!
Lahat ng bagay sa mundo natin ay may expiration date. Dahil walang permanente sa ating mundo. Ang lahat ay balang araw ay masisira o mamamatay o mawawalan ng bisa.
Kahit gaano ka-sikat ang isang tao ngayon, balang araw makakalimutan din. Kahit gaano ka-influential ngayon, balang araw mawawala din ang impluwensya niya. Kahit gaano ka-yaman, balang araw hindi rin madadala kahit isang sentimo. Kahit gaano kamahal ang isang tao, balang araw isa sa inyo ang unang pumanaw. Walang forever habang nandito tayo sa mundo natin.
Alam natin na mahal tayo ng Panginoon. At kahit gaano katigas ang puso natin, kahit nagrerebelde tayo sa Panginoon o kahit ina-atake natin ang Panginoon at ang mga tagapagsunod Niya, mahal parin tayo ng Panginoon at lagi Siyang handa na tanggapin at patawarin tayo kung magpapakumbaba tayo at lalapit sa Kanya.
Pero ang chance na binibigay sa atin ng Panginoon na tanggapin ang kapatawaran, kaligtasan at buhay na walang hanggan na ino-offer Niya ay may expiration date din. At ang dalawang posibleng expiration date ng pagkakataon natin na maligtas ay kung mamamatay na tayo o kung bumalik na si Hesus ng ikalawang beses.
Kaya sana wag natin sayangin ang pagkakataon na ibinibigay sa atin ng Panginoon dahil sadyang mahal Niya tayo at napaka-patient at gracious Niya.
Hanapin ang Panginoon ngayon nang buong puso at tiyak na makikita mo Siya. Huwag mag-antala dahil hindi mo alam kung kailan ang oras. Mahal ka Niya at walang mawawala sayo kundi ang lahat ng makukuha mo kung ibibigay mo ang iyong buhay sa Kanya. Huwag kumapit nang mahigpit sa anumang bagay sa mundong ito dahil wala dito ang tunay na halaga. Kay Hesus lamang ang magkakaroon ng pag-asa at kinabukasan,ito ay isang katotohanan. Dalangin ko na buksan ng Diyos ang ating mga puso sa araw na ito.
Photos are mine and taken by me using my A10s
@ San Fernando City, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)