Kahit saan ka lumingon sa mundo natin ay meron kang makikitang kaguluhan. Hindi matapos-tapos na gera. Grabe ang shortage ng pagkain kaya madami ang gutom. Walang tigil ang pagdating ng mga bagyo, pagputok ng bulkan, at paglindol sa iba’t ibang parte ng mundo. At ang nakakalungkot ay mayroon ding kaguluhang nagaganap sa loob ng napakaraming pamilya.
Ang rason sa lahat ng kaguluhan ay dahil sa kasalanan - dahil makasalanan ang bawat indibidwal… At dahil sa katigasan ng puso natin ay pinapahintulutan na ng Panginoon na patuloy tayong mahulog sa patibong ng kasalanan. Kaya kung mapapansin natin ay kung gagawa tayo ng mali unang pagkakataon ay hirap tayo at guilting-guilty tayo. Pero kung paulit-ulit natin gagawin kahit naguiguilty tayo dahil sa konsensya natin ay darating ang panahon magiging manhid na tayo at lalayo ng lalayo sa Panginoon.
Nais ko kayong i-encourage na totoo nagsusuffer tayo dahil sa consequence ng actions natin at dahil pinahintulutan na tayo ng Panginoon na patuloy na patigasin ang puso natin. Pero kung ihuhumble natin ang sarili natin at lalapit tayo sa Panginoon ay tatanggapin Niya tayo at patatawarin Niya tayo at dahan dahan Niyang aayusin ang buhay natin kung mananatili tayo sa Kanya. 🙃
Sa gitna ng lahat ng kaguluhan sa ating paligid, maaari tayong magpahinga sa ating Sovereign, Loving, and Gracious God. Aalisin Niya ang kaguluhang dulot ng kasalanan sa ating buhay at hahayaan Niya tayong mamuhay nang payapa sa kabila ng mga pagsubok na ating kinakaharap kung tayo ay mananatili sa Kanya. Ibigay ang iyong buhay kay Hesus ngayon. Siya ang Tanging Daan para maranasan natin ang kapayapaan sa gitna ng kaguluhan sa mundong ito. 🙏❤️
📸Larawan:Wine Glass
Photos are mine and taken by me using my A10s
@ Udaneta City, Pangasinan, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)
Congratulations, your post has been curated by @dsc-r2cornell. You can use the tag #R2cornell. Also, find us on Discord
Felicitaciones, su publicación ha sido votada por @ dsc-r2cornell. Puedes usar el tag #R2cornell. También, nos puedes encontrar en Discord