Nagaalala ka ba ngayon? O baka nalulungkot o natatakot ka? Normal na pakiramdam ito, lalo na kung may pinagdaraanan tayong pagsubok. Pero ang good news ay hindi tayo kailangang manatili na nagaalala, nalulungkot at natatakot. Dahil kahit anong pinagdaraanan natin ay maaari tayong makaramdam ng kapayapaan.
Ang tanong ay “saan tayo nakafocus kung dumadaan tayo sa kahit na anong pagsubok sa buhay natin?” Dahil kung sa sarili nating kakayanan o sa ibang tao o sa mismong problema tayo nakafocus, sigurado ay matatakot, magaalala at malulungkot tayo dahil alam natin limitado tayo at maraming bagay ang labas sa kontrol natin.
Kaya nais ko kayong i-encourage ngayong araw na magfocus sa Panginoon. Parang isang bata na nakatingin sa ama niya, ganito rin ang mararamdaman natin kung sa Diyos tayo nakafocus. Pero mahalaga na tama ang pananaw at relasyon natin sa Diyos dahil kung hindi natin kilala ang Diyos at hindi natin alam na walang imposible Sakanya at kontrolado Niya lahat ng bagay at mahal Niya tayo at hangad Niya lang ang kabutihan natin, hindi tayo makakaramdam ng kapayapaan dahil wala tayong tiwala Sakanya.
Mag-Focus kay kay Hesus. Mahal at inaalagaan ka niya. Huwag tumuon sa sitwasyon na iyong kinalalagyan o sa mga tao o maging sa iyong sarili dahil hindi mo mararamdaman ang katiwasayan at kapayapaan sa ganitong paraan. Ang Diyos lamang ang tunay na makapagbibigay sa atin ng kapayapaan dahil Siya lamang ang may hawak ng lahat. Ngunit sa kabila ng Kanyang Kadakilaan sa Kapangyarihan, maaari tayong makadama ng kapayapaan dahil sa parehong oras Siya ay Magiliw sa Kanyang Pagmamahal at Pag-aalaga. Tumingin kay Hesus ngayon. Siya ang iyong Tanging Tunay na Pinagmumulan ng kapayapaan anuman ang iyong pinagdadaanan.
Photos are mine and taken by me using my A10s
@ Ilocos Sur, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)