Madalas natatakot o nagaalala tayo dahil hindi natin alam ang magiging kalalabasan ng sitwasyon na hinaharap natin. Iba-iba ang kinakatakutan natin… minsan tao, minsan babayarin, minsan kalusugan, minsan trabaho, minsan bagyo… Kahit ano pa ang kinakatakutan natin, kung iisipin natin ay natatakot tayo dahil wala sa kontrol natin ang pangyayari o sitwasyong kinakaharap natin.
Kaya kung buo ang ating pananalig sa Panginoon dahil kilala natin kung sino Siya at nararamdaman natin ang Kanyang Presensya at naranasan natin na Siya ay Tapat sa Kanyang mga pangako, unti-unting mawawala ang ating takot at pag-aalala dahil alam natin kung sino ang ating sinasandalan at kasama natin sa lahat ng bagay.
Pero ang tanong natin marahil ay kung madali lang para sa Kanya, bakit Niya tayo pinapahintulutan na dumaan sa pagsubok? Ang sagot dito ay upang subukin ang ating pananalig sa Kanya upang lalo pang madevelop at lumalim. Parang ang muscle natin, kung hindi tayo mageexercise, hindi ito lalaki. Dahil madalas itong mga pagsubok na ito ang magpapalapit sa atin sa Kanya at magpapalalim na relasyon at pananamplataya natin sa Kanya.
Magtiwala sa Panginoon. Siya ang may kontrol. Ang lahat ng nangyayari sa ating buhay ay bahagi ng Kanyang plano para sa atin. At dahil bahagi ito ng Kanyang plano, walang makahahadlang sa Kanyang layunin para sa ating buhay. Mapagpalang araw sa ating lahat.🙃
Photos are mine and taken by me using my A10s
@ Udaneta City, Pangasinan, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)
Hi! I just curated your content!
Please take a moment to vote for my witness.
🗳️ https://blurtwallet.com/~witnesses?highlight=outofthematrix