Isang mapagpalang araw po sa ating lahat!
Ano ang madalas na rason kung bakit tayo nagagalit? PRIDE. Dahil kung hindi natin makuha ang gusto natin, nagagalit tayo dahil pakiramdam natin deserve natin.
Yung idea na “deserve” natin o “karapatan” natin ang kahit na anong bagay ay ang evidence na may pride tayo. Madalas dahil sa pride, itinataas natin ang tingin natin sa sarili natin kaya ibinababa natin ang tingin natin sa kapwa natin. Kaya hindi natin iniisip kung makakasakit ba tayo ng iba, basta kung hindi natin makuha ang gusto natin nagagalit nalang tayo.
Pinapaalalahanan tayo ng Panginoon ngayong araw na WALA TAYONG KARAPATAN na maging proud. Dahil isipin ninyo, sa mga kumpanya na pinagtratrabauhan natin, kung ang presidente ng kumpanya ay ang maglilinis ng building natin at ang presidente ang tatanggap ng sigaw at galit ng mga customer, satingin ba natin ay may karapatan tayo magcomplain kung sinabi sa atin na maglinis tayo at isipin natin lagi ang best ng customer natin kahit hindi sila reasonable? Malamang wala tayong karapatan magcomplain na.
Papaano ba kung ang Diyos na naglikha ng lahat ng bagay ang mismong bumaba sa mundo natin at ipinakita sa atin ang BEST EXAMPLE ng humility o pagbabakumbaba. Imagine natin, Diyos Siya pero naging tao Siya. Siya ang Tagalikha pero pinili Niyang maging parehas sa nilikha Niya. At hindi Siya bumaba sa mundong ito na ipinanganak sa mayaman at influential na pamilya, ipinanganak Siya sa isang mahirap na pamilya. At nung bumaba Siya sa mundong ito, pinagsilbihan Niya ang lahat ng tao. Kahit yung trabaho ng pinakamababang alipin ay ginawa Niya para ipakita sa mga disciples Niya na ganun dapat ang gawin nila. At ultimately ipinakita Niya ang humility Niya nung ibinigay Niya ang buhay Niya para sa kasalanan natin. Hindi Siya nagkasala pero Siya ang sumalo ng kaparusahan ng kasalanan natin para magkaroon tayo ng pagasa na makapunta sa Langit balang araw.
Laging maging mapagpakumbaba at mahinahon. Kung ang Hari ng mga hari, ang Panginoon ng mga panginoon, ang Lumikha ng langit at lupa ay nagpakumbaba sa Kanyang sarili na kumilos bilang pinakamababang lingkod, gaano pa kaya tayong mga nilikhang nilalang? Gaano pa kaya tayo na nag-aangking mga tagasunod Niya? Alisin ang pagmamataas sa iyong buhay, isuko ito sa Panginoon upang magamit Niya ang iyong buhay upang magkaroon ng epekto sa buhay ng iba para sa Kanyang Kaluwalhatian.
Photos are mine and taken by me using my A10s
@ San Fenando City, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)