Hindi tayo laging bata. Sa ating pagtanda, dapat nagiging independent na tayo dahil hindi responsibilidad ng magulang natin na alagaan at magprovide para sa atin buong buhay natin. . Kailangan ay matuto tayong maging independent para makatulong at masuportahan natin ang magulang natin kung matanda na sila.
Pero hindi sa lahat ng bagay ay dapat independent tayo. Lalo na sa mga relasyon sa buhay natin. Halimbawa kung gusto natin maging close sa kapwa natin, kailangan nagbibigay tayo ng oras na makasama at makausap sila. Ganito rin sa Panginoon, kung gusto natin maging malapit Sakanya, kailangan natin maginvest ng time and effort na makasama at makausap ang Panginoon sa pamamagitan ng pagdarasal natin at pagbabasa ng Bibliya.
Pero maliban sa pagbabasa ng Bibliya at pagdarasal, nilikha tayo ng Panginoon para sa relationship natin sa kapwa natin para matulungan natin ang bawat isa sa journey natin sa faith natin sa Panginoon. Kaya kung makikita natin ang halimbawa ni Hesus, nagdisciple Siya ng isang grupo at hindi ng isang indibidwal. At habang naggrogrow ang relasyon ng mga disciples kay Hesus, naggrow din ang relasyon nila sa isa’t isa kaya naging magkaibigan sila at naging support system nila ang bawat isa lalo na sa mga panahon na napanghihinaan sila ng loob.
Ganito rin sa atin kaya kailangan natin ng grupo na makakasama at makakatulong natin sa paglago ng pananampalataya natin sa Panginoong Hesu Kristo natin. Dahil kung magiging honest ako, wala pa akong nakitang isang Kristyano na naggrow sa faith niya ng magisa lang siya. Dahil madalas kahit gaano kalakas ang faith ng isang tao, madali siya malinlang at madiscourage ni Satan kung patong patong ang temptation at problema na dumarating sa buhay ng isang indibidwal at wala siyang support system.
Just like iron sharpens iron, we also need someone in our lives who can journey with us in our relationship with the Lord. Manalangin para sa mga taong gagabay sa iyo (discipler) para magkaroon ka ng support system at accountability partner sa iyong paglalakbay sa iyong relasyon sa Panginoon.
Photos are mine and taken by me using my A10s
@ San Fernando City, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)