Huwag Tayong Panghinaan Ng Loob Sa Halip Ilagay Natin Ang Ating Tiwala Sa Diyos

in blurtography •  3 years ago 

image.png

Araw-araw maraming balita ang nagbibigay sa atin ng pangamba at takot upang madalas ang ating pag-aalala sa maraming bagay. Ngunit sa kabila ng lahat ng pangamba at takot ang pangako ng Panginoon ang ating panghahawakan. Huwag tayong panghinaan ng loob sa halip ilagay natin ang ating tiwala sa Kanya sapagkat siya ang nakakakilala sa atin, alam Niya ang nangyayari sa atin kausapin natin siya sa lahat ng pagkakataon, tayo ay lumapit sa ka Niya sa pamamagitan ng panalangin.

image.png

Ang pananampalataya na mayroon tayo sa Kanya ay nagpapalakas sa atin upang bumangon bawat araw at magsimulang muli anumang sitwasyon na darating.

image.png

Share ko lang ang mga bulaklak ng Zinnia na sana magbigay sa inyo ng saya. Kinunan ko ito dati ngunit ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na ibahagi ito. Mapagpalang araw sa ating lahat.

image.png

Photos are mine and taken by me using my A10s
Taken at Urdaneta City, Pangasinan, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)


image.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE BLURT!
Sort Order:  

Ang ganda naman po.