Gaano tayo kadalas magdasal? At ano ang laman ng dasal natin? Nagdarasal lang ba tayo kung may problema tayo? O nagdarasal lang ba tayo bago kumain? Tapos kung nagdarasal pa tayo ay parang parehas lang lagi ang lumalabas sa bibig natin?
Isipin natin ang taong pinakamahal natin sa mundo natin. Tapos isipin natin na kakausapin lang natin siya kung may problema tayo. Tapos kung kakausapin natin siya maiksi lang. Tapos parehas pa lagi ang sinasabi natin sakanya. Ano satingin mo ang mangyayari sa relationship natin sa pinakamahal natin na tao? Magiging close at deep ba ang relationship natin sakanya o lalayo at magiging parang wala tayong relasyon sakanya?
Malamang kung talagang mahal natin ang taong ito ay madalas natin siya kakausapin at ikwekwento natin sakanya ang buhay natin. At lagi tayong nandyan din para makinig sakanya at gawin ang lahat ng bagay para maging masaya siya.
Ganito dapat tayo sa Panginoon. Hindi dapat parang memorized na statement ang sinasabi natin sa Panginoon sa dasal natin. Dapat ikinukwento natin Sakanya ang buhay natin at humihingi tayo ng advice at direction Sakanya sa buhay natin. At dapat inaalam natin ang gusto Niya sa buhay natin at iyon ang mga gagawin natin dahil mahal natin Siya at alam natin iyon ang magpapasaya Sakanya at magbibigay ng puri at kadakilaan Sakanya.
At bilang mga Kristyano, tayo ay anak ng Diyos. Kaya bilang kabilang sa pamilya ng Diyos ay dapat wag din natin kalimutan ipagdasal ang kapwa natin na kapamilya at anak ng Diyos (ang ibang mga Kristyano).
Kausapin ang Diyos araw-araw. Gusto niyang marinig mula sa atin. Sapagkat ang Kanyang hangarin ay ang ating relasyon sa Kanya ay lumalim sa bawat araw. Sapagkat habang natututo tayong ibuhos ang ating mga puso sa Kanya, bubuo tayo ng ugali ng pakikinig at pagsunod sa ipinagagawa Niya sa atin. At kapag sinunod natin ang lahat ng sinasabi Niya sa atin, napupunta tayo sa pinakamagandang senaryo para sa ating buhay at kasabay nito ay dinadala natin ang pinakamataas na kaluwalhatian sa Diyos.
Photos are mine and taken by me using my A10s
@ Ilocos Sur, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)
follow mo ko sir, nag papa games ako daily at may kunting prizes na blurt