TULA para sa Kaarawan ng aking Kaibigan (POEM)

in blurtfilipino •  3 years ago  (edited)

145518867_10220886893545987_1483541733082701028_n.jpg

Sa tulang itoy nais kong ipakilala
Isang taong talagang kaaya-aya
Lubos ang kanyang talino at serbisyo
Humuhubog ng talento para sa entablado

Tunay na siya ay may pagka strikto
Pero para naman yan sa iyong pagkatuto
Tawag namin sa kanya ay "Teacher Lang"
Tunay na respetado at kagalang-galang

Aking tinutukoy Chavit ang ngalan
Kilala siyang maestro ng tanghalan
Sa aming bayan nagbigay karangalan
Sa mga tao namay nagbibibigay kagalakan

Nakasama ko siya sa mundo ng teatro
Paggawa ng linyahan at mga dayalogo
Paghugot ng emosyon kanyang itinuro
Isang mahusay na acting workshop guro

Sa kembot at sayaw sabay humataw
Yung attitude namin ay "walang aayaw"
Kaagapay ko din siya sa tunay na buhay
Kumare ko siya sa junakis na panganay

Ngayon sa kusina siya din ay mahusay
Sa kanyang mga luto ikay mapapa AYAYAY!
hanap mo ba'y masarap na keri ng bulsa?
Sa Madame KAp's Garindebar, arat na, Halika

Aking akda naway iyong nagustuhan
Alay ko ito para sa iyong kaarawan
Pagpalain ka pa ng Poong Maykapal
Sambitin sa sariling.. "dahil? May nagmamahal"....

'Hanggang sa muli...

@zephalexia

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE BLURT!
Sort Order:  
  ·  3 years ago  ·  

Kagaling maggawa ng tula eh., Happy Birthday pala sa kaibigan mo boss.

  ·  3 years ago  ·  

Sobrang gleng naman ni sissy ko
Goo goo!