Maraming nauuso ngayong pandemic. Biglang nagkaka oras ang mga tao gumawa ng kung ano ano o balikan ang kanilang mga nakaugaliang gawain sa una gaya ng pagtatanim. Gaya ng gwardiya sa ospital namin. Dati na daw siyang mahilig magtanim at napag isip isip niya na marami na ang nahihilig sa paghahalaman kaya naisipan niya ang magbenta ng mga tanim.
Naka display sa ilalim ng mesa niya ang mga halaman na Mariapa o Mayana, magaganda at makulay na halaman. Ibinebenta niya ito ng tatlumpong piso (30 Pesos). Makikita mo na ito ay medyo malaki na at maari na ilagay sa mga permanenteng paso.
Bumili ako ng tatlo kasi paaalagaan at padadamihin ko sa bakuran ng tita ko kung saan meron siyang garden. Nakapili ako ng isang kulay pink, yellow at green na may red. Nakakatuwa na pinagkikitaan niya ang kanyang paghahalaman at ito ay nagbibigay aliw sa ibang tao gaya ko na manghang mangha sa kasipagan ng gwardiyang ito.
All images are mine,
Hapit na gyud ko makauli hehe maghanda handa ang mga plantita ng mga murang halaman nila, papalitan ko ng blurt hahaha. Namis ko na mga halaman ni mama sa bukid.
Masipag nga sis at madiskarte sya.
Galing naman ng guard na ito. Saleable nga naman talaga ang mayana ngayo dahil sa colorway ng dahaon psychedelic tingnan.
Madiskarteng mama. Saludo ako sa kanya.