Ang talento ( sumasalamin sa buhay ng tao)

in blurtfilipino •  4 years ago  (edited)

FB_IMG_16135349700501419.jpg

Bawat tao ay biniyayaan ng isang talento na bigay ng Panginoon. Mga talento gaya ng pagkanta, paguhit, pagsayaw at iba pa. Pwede ring mailalarawan ang buhay ng isang tao sa pamamagitan ng talento lalong-lalo na ang paguhit.

Magandang umaga sa lahat, isang masaya at payapang umaga sa atin. Naway magustuhan ninyo ang post kong ito. Ang iginuhit kung larawan ay simbolo sa landas ng tao at ng diyos. Nailalarawan dito ang daan para sa pagkakaroon ng payapang buhay ng tao at ang kanyang tamang landas.

Ang buhay ng tao ay may ibat-ibang landas na tinatahak. Hindi magkakapareha. May napupunta sa magandang landas, meron namang hindi.

FB_IMG_16135468594889190.jpg

Ang mga taong hindi tinahak ang magandang landas ay ang mga taong walang mga magulang, depress sa sarili, naimpluwensya dulot ng masasamang tao at mga masasamang gawain at ang walang nagmamahal sa kanya. Yan ang nawawalan ng landas.

Mahalaga na ang tao o tayo ay maging malapit sa Diyos, sa ating mga magulang at sumunod sa mga payo nila.

Mahalaga rin na dapat kinikilala natin ang Diyos sa ating buhay o sarili para may liwanag ang daan na tatahakin natin upang makapunta sa tamang landas o daan.

Ang pagkakaroon ng Diyos sa ating sarili o buhay ay magkakaroon ng payapa, matiwasay at maayos na pamumuhay.

Kahit anong hirap ay makakaya at may masasandalan, makakapitan o masasakyan na hindi lulubog o susuko sa hamon ng Buhay.

Maraming salamat at pagpalain tayo ng Panginoon.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE BLURT!
Sort Order:  

Nice one del...nindot kaayo...

  ·  4 years ago  ·  

Salamat ya.

  ·  4 years ago  ·  

Ang galing, patuloy mo yan.;

  ·  4 years ago  ·  

Salamat nay