Isang puno ng saya at napakagandang umaga sa ating lahat, lalong-lalo na sa mga huwarang ina dito sa Blurt Community.
Tayo ay nandito sa mundong ibabaw dahil isinilang tayo ng ating ina. Siyam na buwan tayo sa loob ng kanilang sinapupunan. Nakakaranas sila ng sakit ng tiyan, pagkahilo, walang ganang kumain, hindi makatulog at naiinip sa sarili.
At nang tayo ay isinilang na, isang batang musmos na bunga ng pagmamahal. Ibang sakripisyo naman ang kinakaharap ng ating ina. Palaging napupuyat at boung lakas na tayo ay inaalagaan.
Walang sukat ang pagmamahal ng ating ina sa atin, sakripisyo, puyat at pagod ang idinanas nila.
Pinapaliguan tayo, pinapakain tayo at pinag-aral tayo upang tayo ay makakuha ng magandang kinabukasan.
Ilalarawan at ibabahagi ko ang kwento ng isang ina. Isang ina na buhis buhay para makapagbigay ng magandang kinabukasan para sa kanyang mga anak, siya ay nag-aaral sa college sa kursong BEED. Pero biglang nag-asawa.
May tatlong anak pero maagang nàbyuda sa gulang na 34.
Pàra makapagbigay ng magandang kinabukasan sa kanyang mga anak, siya ay nag-ibang bansa.
23 na taon siyang nagtatrabaho sa ibang bansa at nangungulila sa pamilya.pero sa loob ng 23 na taon, naipagtapos niya ang kanyang mga anak at naging professionals.
Tunay talaga na hindi masusukat ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang mga anak.
Kaya mahalin natin ang ating ina habang nabubuhay pa para masuklian natin ang pag-aaruga at pag-aalaga na ibinigay nila sa atin.
Maraming salamat at pagpalain tayo ng Diyos.
Oo di masukat ang sakripisyo ng isang ina, gawin ang lahat para mabuhay ang mga anak. Mag tiis para mabigayan ang mga anak magandang kinabukasan. Ang ganda ng obra maestra mo.
Salamat po 😊
Hindi biro ang buhay ng isang ina kaya dapat igalang. Kahit gaano pa siya kasama,ina pa rin natin yan na dapat igalang. Salamat sa magandang post na ito.
Salamat nay. 😊
Kaya love your mother while you still can.