Magandang Hapon sa lahat, lalong-lalo na sa magiliw na magbabasa sa post kong ito sa BLURT COMMUNITY.
Sa nakaraang post ko dito sa BLURT ay naitalakay ko dito ang kahalagahan ng isang Ina at binigyang pugay natin ang sakripisyo na ginawa nila para sa atin. Ngayong araw na ito, ang Dakilang Ama na haligi at pundasyon ng tahanan naman ang bibigyan natin ng pagpupugay. Dahil sa ating ama,kaya tumibay ang Pamilya at nagkakaroon ng proteksyon at magkakaroon ng tahanan na matitirhan ang Mag-anak.
Ang ama ang bumubuhay sa kanyang pamilya pero sa panahon ngayon, ang ina ay kasali nang bumubuhay para sa kanyang mga anak.
Ang ama ang nagpapalakas para mas maging matibay ang relasyon at pundasyon ng pamilya. Hahamakin, magtatrabaho kahit mahirap para lang may maipakain sa kanyang pamilya at maitaguyod ng tama ang kanyang pamilya.
Pero hindi lahat ng ama ay marunong magtaguyod ng pamilya. Ang ibang ama ay nagpapasakit sa kanyang asawa at ang iba ay ang kanilang asawa ang nagtatrabaho para sila ay mabuhay, yung iba naman ay makakagawa na ng krimen na mauwi sa pagkakakulong.
Sa aking Pagsusuri, tatlo sa sampung ama ang hindi marunong magtaguyod ng pamilya.
Kapag tayo ay mapalad na nagkaroon ng mabuting ama, dapat mahalin din natin sila ng boung puso, dahil kung hindi sa kanila wala tayo dito sa mundong ibabaw. Para sa mga pamilyang nagkaroon ng medyo iresponsableng ama, kahit ganyan sila ay dapat din nating mahalin dahil balibaliktarin man ang mundo ay ama pa rin natin sila.
Darating ang panahon na sila ay magsisisi sa mga nagawa nila, tao lang tayo kayang magpatawad ng kapwa tao.
Dahil kung kaya nating magpatawad ay kinalulugdan ito ng Panginoon na nasa langit.
Yun lamang po at maraming salamat, naway pagpalain tayo ng Panginoon.
Tama ang sinasabi monat balang araw ikaw din ay magiging mabuting ama ng tahanan.
Opo nay.. 😊😊
Mahalin nyo ang inyong Ama o Ina habang kasama mo pa sila. Good job @jb123...
Salamat kuya.. 😊
Bata ka pa and I am sure magiging mabuti ka ring ama balang araw. So continue to be a good person to yourself, your family and all your friends.
Salamat po.. 😊😊
Nice! Hindi lang siguro 3 out of 10, probably more. Madami pa din ako nakikitang mga bata sa lansangan sa Maynila. Pero alam ko naman na mahirap talaga ang buhay kaya't kung may pagkakataon. Grab natin ito.
Salamat po 😊😊
Ano man ang ugali at mga karanasan na nakikita't naranasan natin sa ating mga magulang sanay mapatawad pa rin natin sila. Mahalin natin ang ating mga magulang hangggang pwedi pa at naririayan pa sila.
Tama po kayo.. 😊😊
Nagpapasalamat ako sa aking Papa sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal nia sa amin..
❤️❤️❤️