Magandang Buhay sa Ating Lahat!!!
Para sa blog na ito, ibabahagi ko sa inyo ang isa sa paborito kong ulam at kung paano ito lulutuin, ito nga ay ang "Ginisang Kangkong".
Nitong nakaraang araw nga ay bumili nang talbos nang Kangkong ang aking ina kaya ito ang aking lulutuing ulam. Marahil ay hindi ito alam nang iba, pero ito ay napaka masarap at masustansya, kaya gusto ko itong ibahagi sa inyong lahat.
Ngayon, ang mga sumusunod ay ang mga sangkap at simpling paraang nang pagluluto nang Ginisang Kangkong.
Ito ang mga kailangang Sangkap:
- Mantika at Toyo
- Sibuyas at Bawang
- Isang Tasang Tubig
- Hinimay na Isda
- Asin at Seasonings
- Talbos nang Kangkong
Paraan nang pagluluto:
- Mag init nang kawali at maglagay nang kaunting Mantika.
- Kapag mainit na ang mantika ay, gisahin na ang Sibuyas at Bawang hanggang mag golden brown ito.
- Kapag nag golden brown na ang sibuyas at bawang, kasunod na ang hinimay na isda at haluin itong mabuti.
- Kapag nakita muna na nahalo na itong mabuti, maglagay nang isang tasang tubig at sakto lang na toyo, tapos takpan ito at pakoluin nang tatlong minuto.
- Pagkatapos nang tatlong minuto ay tikman ito at dagdagan nang asin at seasoning para mas masarap.
- Kapag sakto na ang lasa ay, huling ilagay ang talbos nang Kangkong at haluin ito nang mabuti, tapos takpan.
- Mag hintay nang mga tatlong minuto uli at tignan kung naluto na ba ang Kangkong.
Makalipas ang higit sampung minuto ay naluto na rin ang isa sa paborito kung ulam, ang Ginisang Kangkong at oras na nang haponan.
Marami pong salamat sa pagbabasa at sana ay inyong naintindihan at na sundan kung paano ito lulutuin.
Hanggang dito na lamang po at mag ingat tayong lahat.
Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!!
@godlovermel25
Abah ayaw na magpapapigil mga to., hahaha lagi timing eh kanina kay nanay olivia kakatapos ko almusal ngayon naman kakatapos ko lang tanghalian tas naglalawan nanaman ako sa paksiw :drooling_face:
Hahahah..nakaka gutum nga bro..puro food nalang nakikita.
Kalamian sa green kaayo na kangkong. Salamat sa share mo.
Lamian jud kaayo ate..
wow! sarap!
Yes ate..
Hmm hang yummy tingnan, faborito ko rin yan, apan-apan tawag sa amin dito sa cebu.