Magandang umaga mga Blurtian,
Ako po ay isang dialysis patient nandito ako ngayon s DSWD (Department of Social Welfare and Development) Gastambide, Manila. Dumating ako ng 2:30am
kasama ng aking kaibigan na isang Cancer patient si
Jeaneth Taperla kame po ay hihingi ng tulong medical para sa aming pangangailangan medical sapagkat ang aming sakit ay nakakapagod nakakaubos ng pera at nakakapanghina, marami po ang naidudulot ng aming sakit sa amin kaya ayaw na naming ma stress pa sa buhay.
Unang pila sa labas pang number 18 pag dating sa loob naging number 27
na ganyan ang pilahan pero kailangan tiisin ako po ang nangangailangan kaya kailangan maghintay, magtiyaga, magutom, antukin, at higit sa lahat mapagod sana sulit ang makuhang tulong. Nais ko po maipabatid sa lahat na ang ating gov't ay ninanais na tumulong sa abot ng kanilang makakaya sa ngayon ako po ay nakapila dito at unti unting umuusad ang pila sana makakuha ng magandagandang tulong para masustentuhan ang aking pangangailangan at pambayad sa aking dialysis bukas February 20, 2021.
Sa mga normal pa ang kidneys mag iingat na po kayo para hindi kayo matulad sa aming mga pasyente at PWD na, maging aware po tayo para makaiwas sa anumang maaring maging sakit wag po natin pabayaan ang ating mga sarili. Salamat ingat mga Blurtian 😁😇🙏